Sa
Bagong Paraiso
(Ni Efren Reyes Abueg)
I.
PAGKILALA SA MAY-AKDA:
Si Efren Abueg ay
isinilang sa Tanza, Cavite noong Marso 3, 1937 at isa sa mga iginagalang na
kuwentista, nobelista, mananalaysay, at krititiko sa kanyang kapanahonan.
Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon
ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga
Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at
1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni
Alejandro G. Abadilla (1973).
II.
URI NG PANITIKAN: Ang anyo ng panitikang sinulat ay nasa
kaanyuang isang maikling kwento.
III.
LAYUNIN NG MAY-AKDA: Nag-udyok
sa kanyang isulat ang akda dahil sa pagnanais niyang tumatak sa isipan ng bawat
mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig sa kwento. Nais niyang ilahad at hikayatin ang mga
kabataan na kailangan parin nilang sundin ang payo ng kanilang mga magulang
at ng mga nakakatanda.
IV.
TEMA O PAKSA: Pagsunod
sa payo ng magulang.
V.
SARILING PUNA: “Sa
Bagong Paraiso” ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan na babae at lalaki na
pilit pinaghihiwalay ng kanilang mga magulang dahil sa kadahilanang sila ay
binata’t dalaga na at ang lalaki raw ay malapit sa tukso kapag malapit sa
babae. Nais ipahiwatig ng may-akda na
dapat tayong mga kabataan ay sumunod sa payo ng ating mga magulang dahil sila
ang mas nakakaalam. Ngunit masarap gawin
ang bawal kung kaya’t pilit silang kumawala sa hawla ng banta at bawal mula sa
kanilang mga magulang at tinahak ang kanilang naging bagong paraiso na siyang naging
dahilan ng pagdilim ng kanilang mga mundo.
VI. ARAL NA MAKUKUHA: Ang
pagsunod sa payo ng ating mga magulang ay isang landas patungo sa ating
magandang bukas. Wala silang ibang
hinangad kundi ang mapabuti lang ang ating buhay. Labanan ang tukso upang ang landas natin ay di
lumiko. Sundin ang payo ng magulang
upang ang buhay ay maging maayos at naayon.
Walang magulang na gugustuhing ipahamak ang anak (pwera na lang sa iba).
Ang ating mga magulang ang mas nakakaalam kung ano ang tama at
mali. Dahil kung tayo ay papunta pa
lamang, sila’y pabalik na.
VIII. REPLEKSYON: Lubhang
napakahirap labanan ang tukso lalo na’t sila ang naging dahilan ng ating pagtawa
at ang rason kung bakit may saysay ang mundo.
Minsan ang pakiramdam na ito ay hindi naiintindihan ng ibang tao kung
kaya’t madali lang sa kanilang sabihin ang salitang “Lumayo ka sa tukso!” Minsan tayo ay nadadala sa saya kung kaya’t
nakakalimutan natin ang pangarap sa atin ng iba. Ngunit sa kwentong ito, ito’y nagpapahiwatig
na kahit ano man ang maging dahilan mo dapat parin tayong magising sa ating
munting pagiisip tungkol sa larangan ng pag-ibig.
Aral muna ang dapat asikasuhin upang mas maabot natin ang ating mga
pangarap sa buhay at makatulong sa ating mga magulang dahil ang totoong pag-ibig ay nakapaghihintay.